Kahit anung paraan ang gawin ng New People’s Army (NPA) sa pagtanggi at pag-iwas sa isyu ng paggamit sa eleksyon upang makalikom ng sangkatutak na pera pangtustos sa kanilang pakikibaka at malamang pati na rin sa matiwasay na buhay ni Jose Ma. Sison sa Netherlands, ang katotohanan pa rin ang mangingibabaw. Hindi maikakaila na mayroon ngang nangyayaring bayaran sa iba’t-ibang panig ng bansa upang maisakatuparan ang pagkapanalo ng mga pulitikong suportado ng mga rebelde. Ngunit may isang grupo na nagpakilalang TERCERISTA ang kumokondena sa laganap na paggamit ng eleksyon bilang isang negosyong pagkakaperahan.
Ang paghihiwalay ng naturang grupo ay nagbigay daan sa bagong kahulugan ng CPP-NPA-NDF bilang Communalist Proletariat Party – Nationalist Patriotic Army – National Diagraphic Fundamentalist. Ipinakita ng TERCERISTA ang kanilang katapangan na talikuran ang lider na si Sison at tuligsahin ang utos nitong magkaroon ng aktibong partisipasyon para sa paparating na halalan. Iginigiit din ng grupo na iba ang kanilang isinusulong kaysa sa ideya ni Sison na kumita ng pera sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa iba’t-ibang organisasyon at mga pulitiko na kumakandidato. Higit sa lahat, tahasang inihahayag at ipinalalabas ng TERCERISTA ang mga nakikita nilang kabalastugan na nangyayari sa loob ng Communist Party of the Philippines (CPP) upang ito ay maipaalam sa madlang Pilipino.
Malaking isyu na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa Permit-to-Campaign (PTC) at Permit-to-Win (PTW) na ipinapataw ng mga rebeldeng komunista sa mga pulitikong tumatakbo sa kani-kanilang lugar. Tinutulungan nila ang mga sinusuportahan nilang pulitiko gamit ang kanilang mga armas para mapasunod sa kanilang kagustuhan ang mga taong nakatira sa kanilang nasasakupan. Ito lamang ay isa sa mga iginigiit ng mga TERCERISTA patungkol sa CPP. Kung kaya, hindi rin mawari ng TERCERISTA kung bakit idinidiin ng mga rebelde na wala silang kinalaman sa PTC at PTW.
Ang nangyaring pagkakawatak-watak sa CPP ay hudyat lamang na hindi lahat ay umaayon sa mga kasalukuyang nangyayari sa loob ng kanilang partido. Hindi naman talaga kasama sa kanilang ideolohiya ang paggamit sa eleksyon para sa kanilang sariling interes lamang. Ito ay isa lamang pakikialam sa magulong usapin ng pulitika kapalit ng salapi at nagsisilbing taga-bigay ng proteksyon sa ilang mga pulitiko. Kung patuloy na magiging magulo ang ipinaglalaban ng partidong komunista, hindi malayong mangyari na isa-isa nang mawawala ang kanilang mga miyembro. Unti-unting mawawalan ng respeto ang mga miyembro sa mga namumuno dahil na rin sa maling pamamalakad.
Showing posts with label NPA. Show all posts

Wednesday, March 24, 2010
Tuesday, February 2, 2010
KIMAY’S DEATH SAD TRUTH OF REDS’ YOUTH EXPLOITATION
Walang pinagkaiba ang kamatayan ni Kemberly “Kimay” Jul Luna sa porsyento ng mga kabataan na nilulumpo ng nakakahibang na druga o di kaya’y walang kabuluhang hazing. Kung iisipin mas kahindik-hindik pa. Buhay ng isang promising youth ang nalagas para sa pulang bandila na hinaharian ni Jose Maria Sison. Nakikibaka ang tulad niyang mga kabataan hindi para sa demokrasya, kung hindi para palitan ito ng Komunistang diktadorya kung saan maghahari lang ang iilan. Ang nakakalungkot pa, isa si Kimay sa mga kabataang nabulag sa kapangyarihan ng armas.
Ang bulok na pananaw ng kaliwa ang tanging dahilan ng pagkamatay ng promising youth na si Kimay. Walang dapat ipagbunyi sa nasayang na buhay ng dalaga. Naaatim ng NPA na mag-recruit ng menor de edad o di kaya’y kabataan sa kanilang grupo habang patabaing-baboy ang mga lider nito sa labas ng bansa tulad nina Sison. Ang taong nagpasimuno sa Komunistang pagkilos, nagsasaya sa immunity nito sa labas ng bansa.
Anong ehemplo ang naisabuhay ni Ka Kimay? Rebeldeng tinalikuran ng taong pinaglalaban niya? Ang maging isa sa mga armadong nanloloob sa mga kawawang sibilyan kapalit ng bigas o pera? Ano ang ikinaiba ng buhay ni Kimay sa mga pusakal na nagtatago sa bundok, may armas at pumapatay. Anong demokrasya ba ang pinaglaban niya?
Kung nailagay sana sa tama ang husay ni Kimay hindi lang kapiranggot na mensahe sa dyaryo ang naging deskripsiyon ng buhay niya. Ito ang ehemplo ng exploytasyon sa NPA. Sa ganitong paraan nakakalikom ang NPA ng mga kabataang gagamitin nitong buhay na bulletvest sa mga bakbakan. Sa kasamaang palad nag-eendorso pa ang NPA na pamarisan ng iba pang kabataan si Kimay. Ang mamatay sa madugong pakikidigma para sa kapakanan ng ibang nakahilata ay hindi kailanman magiging tama.

Labels:
Jose Maria "Joma" Sison,
Kabataan,
Kemberly Jul Luna,
NPA
Monday, January 4, 2010
MILITANTS RIDE-ON MAGUINDANAO BLOODBATH “Inopacan Mass Grave in Memoriam”
It is highly unlikely for Bayan Muna’s Satur Ocampo to snoop on the recent Maguindanao bloodbath like he was some saint. The former Communist Party of the Philippines (CPP) and New People’s Army (NPA) leader (Ocampo) is making a mock on the bewailing public. Has he completely lost his “delicadeza”, particularly on around sixty-nine (69) unearthed corpses in Inopacan, Leyte which was attested as his doing way back in 1985? Does he honestly think that the victims of the mass grave dug out on the isolated woodland in Leyte have thrown-out their enmity towards his masked Communist despotism?
The Ampatuan leadership in Maguindanao, which witnesses speak-of as tyrannical and obtrusive, is a mirror-image of Ocampo’s headship of the NPA-threatened areas in Southern Luzon and Eastern Visayas. The purging or cleansing operations of the CPP-NPA in the early 1980’s that involve massacres of erring comrades and government supportive locals and agents are just as disgusting as the rotten cadavers dug-up in Maguindanao. Oplan Veneral Disease or Oplan VD of the CPP-NPA is one horrifying example of which.
The said Left-initiated mass execution that included mutilation of victims’ genitals and prolonged tortures were ordered by the members of the AHOS Committee headed by Jose Maria Sison and his alter-ego, Satur Ocampo. Like the Ampatuan, who presumably decapitated their political rivals topped by Mayor Ishmael Mangudadatu to put off sole control in the province, Ocampo was among the Communist leaders who wanted to preserve their clout in Eastern Visayas by virtue of constant fear. Oplan VD was a testimonial of fear. It catapulted NPA’s vast intimidation among innocent and helpless civilians who they continue to “milk” for money and recruits.
Sison’s continued support and boast of Ocampo’s feat in Bayan Muna that included the CPP-NPA’s open-support to the latter’s senatorial candidacy this 2010 proves how the Reds’ “esteemed” Ocampo’s allegiance to the Communist leadership. This shows how the NPA or the armed bandits of Sison help in the push for Ocampo’s political ambition. Like the paid-private armed groups that shielded and “guaranteed” the Ampatuan’s’ influence in Maguindanao, the NPA has constantly cared for Ocampo’s sake. The 1 billion pesos generated by the NPA to help fund the campaign of Ocampo and other militant candidates and Party List Groups (PLGs) sealed this so-called dodgy “friendship”. More or less, the NPAs who opposed the “serve Ocampo drive” are rather held at gun point or else at paid service. Benito Tiamzon, CPP-NPA’s “figure head”, is among those who are dragged along Ocampo’s candidacy can speak well of how manipulative the BM solon is inside the Party and now among his “minions” in Kamara.
Without the armed groups that Ampatuan used to pressure his rivals, he would not be this frightful political figure. On the other hand, without the NPA that sustained Ocampo’s political plight, he would have remained insignificant. BM would not have the right machinery to boost their group and the likes of Ocampo. Thus, Ocampo and the Ampatuans are no different; the Maguindanao and Inopacan massacres aver it. Thus, a red-handed criminal incriminating another felon is more or less a masquerading hypocrite that thinks the public is naïve enough to believe him.

Inopacan Mass Grave,
Inopacan Massacre,
NPA,
Satur Ocampo
Wednesday, December 30, 2009
CHR, NAMIMILI NG PROPROTEKSYUNAN

Marami ang nagtataka sa inaasal ni Commission on Human Rights (CHR) Chair na si Leila De Lima kaugnay sa dineklarang martial law sa probinsya ng Maguindanao. Ayon sa kaniyang pahayag ay direkta niyang ipinag-utos sa kaniyang mga tauhan ang mahigpit na pagbabantay sa mga miyembro at galaw ng 601st Brigade ng Philippine Army at iba pang pwersa ng gobyerno. Kung susuriin, nagpakita agad si De Lima ng pagka-bias dahil tahasan nitong sinabi na may magagawang pagmamalabis sa karapatang pantao ang pwersa ng gobyerno sa kanilang ginagawang pagtutugis sa mga suspek ng Maguindanao massacre na kumitil sa buhay ng 57 katao.
Ito marahil ang dahilan kung bakit nagmimistulang pipi at bingi ang CHR sa ibang kaso ng pag-aabuso sa karapatang pantao dahil ang kanilang atensyon ay nakatuon lamang parati sa pagbabantay sa gobyerno. Dahil dito, isang mensahe ang gustong iparating ng taong bayan sa pinuno ng CHR na si Leila De Lima. Marami pang grupo sa bansa ang may kapasidad na gumawa ng pang-aabuso sa karapatang pantao. Isa sa pinakamatindi ay ang mga NPA na walang habas na pumapatay sa ilang probinsya tulad ng napatunayan sa natuklasang mass graves sa Inopacan, Leyte. Ito ay bukod pa sa mga araw-araw nilang ginagawang pang-aabuso sa mga probinsya kung saan sila ay walang patumangging pumapatay ng mga sibilyang nagpapahiwatig lamang ng pagkontra o paglaban sa kanilang mga iligal na mga gawain. Hindi ba’t wala silang pinagkaiba sa pumatay sa Maguindanao?
Inamin na mismo ni De Lima na ang pagdeklara ng martial law sa Maguindanao ay nagbukas ng isang maganda oportunidad para maglakas loob ang maraming testigo na nagnanais isiwalat ang mga naging krimen ng mga pamilya Ampataun na sinasabing suspek sa naganap na masaker. Ayon mismo kay De Lima ay matagal nang nabalitaan ng kaniyang tanggapan ang ilang insidente ng pagpatay na ginagawa ng mga Ampatuan ngunit dahil na rin sa kanilang takot ay hindi nila ito maimbestigahan kung kaya’t umabot ito ng ilang buwan bago ipinag-alam sa publiko at mga kaukulang awtoridad.
Ang ahensya tulad ng Commission on Human Rights (CHR) ay hindi dapat nagproprotekta lamang ng ilang piling grupo o sektor ng lipunan. Maigi na imulat ni Chair Leila De Lima ang kaniyang mata at maging patas sa mga imbestigasyon na gagawin ng kanilang ahensya. Mainam na binabantayan nila ang sitwasyon sa Maguindanao ngunit dapat din ay maging mulat sila sa mga krimen laban sa karapatang pantao na nagaganap sa ibang panig ng bansa.
Labels:
CHR,
Leila De Lima,
Maguindanao Massacre,
NPA
Tuesday, September 29, 2009
ARMADONG GRUPO NI SATUR, KINONDENA SA BICOL
Isang daang (100) manggagawa ng Sunwest Water & Electricity Co (Suweco) sa Barangay Solong sa bayan ng San Miquel, Catanduanes ang nawalan ng trabaho nang umatake ang mahigit 20 armadong rebelde sa ginagawang Solong mini-hydroelectric power plant sa nasabing lugar nitong nakaraang Setyembre 7, 2009 lamang. Ayon sa ulat, ang mga rebelde ay umatake pagkatapos humingi ng ilang daang libong piso mula sa pamunuan ng Suweco na kanila namang bigong nakuha mula sa nasabing kompanya.
Ang naturang insidente ay isa nanamang dagdag sa humahabang listahan ng mga krimen ng NPA at mga katunayan na sadyang hindi mapagkakatiwalaan ang New People’s Army at ang liderato ng Communist Party of the Philippines patungkol sa usaping pangkapayapaan. Ang mga kompanyang ito na nagiging instrumento upang magkaroon ng pag-unlad sa ilang barangay sa rehiyon ay hindi dapat inaatake ng mga NPA bagkus ay dapat tinutulungan pa nila dahil ang ginagawang dam ang magiging daan upang magkaroon ng mababang elektrisidad ang ating mga kapatid na Bicolanos.
Ngayon, hindi lamang ang pag-unlad ng San Miguel ang nalagay sa alanganin kung hindi ultimo hanap buhay ng 100 nating kababayan sa Bicol ay kanila na ring dinala sa peligro, ito ay upang makapangikil lamang sa mga kompanyang tulad ng Suweco.
Dahil sa nasabing insidente ay dapat lang na pag isipang mabuti ng gobyerno ang pakikipag negosasyon nito sa mga rebelde sa usaping pangkapayapaan. Ang patuloy na pagpatay at pag atake ng CPP-NPA sa mga walang kalaban laban nating mga kababayan ay nagpapakita lamang ng kawalan ng sinseridad at puso ng CPP-NPA upang tuluyang magkaroon ng kapayapaan at makinabang ang mamamayan.
Bukod dito, nagiging mas malinaw para sa atin na paniwalaan na ang tanging hangad ng mga miyembro ng CPP-NPA ay ang pabagsakin ang ating bansa sa pusali dahil ang kanilang ginawang pag-atake sa Bgy Solong, San Miguel ay malinaw na halimbawa ng tinatawag na economic sabotage.
Sa mga nakaupo sa ating gobyerno at mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP, pakinggan nyo nawa ang panawagan na itigil nyo muna ang pagbibigay sa kung ano-anong kondisyon na hinihingi ng mga CPP-NPA at kanilang naatasang mga negosyador hangga’t hindi napapatunayan na kapayapaan nga ng bansa ang kanilang tunay na hangad at hindi pansariling interes lamang.

Satur Ocampo,
SUWECO
Sunday, September 13, 2009
SATUR FOR SENATOR- ISANG STRATEHIYA
Kulelat ang pwestong nakuha ng mga militanteng representate na sila Satur Ocampo at Teddy Casiño, parehong mula sa Bayan Muna pati ni Liza Masa ng Gabriela Women’s Party sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan lamang. Ayon sa “Ulat ng Bayan” na resulta ng isang survey na ginanap mula July 28 hanggang August 10, 2009 sa buong bansa ay nasa pinakahuling rank ang tatlong militante na pare-parehong nagpahiwatig ng planong pagtakbo bilang mga bagong senatoriables sa dadating na eleksyon sa Mayo 2010.
Bagamat kilalang-kilala na ng publiko bilang mga kontra-Arroyo at nangunguna sa mga kaliwa’t kanang kilos protesta sa kalsada ay nagmistulang nuisance candidates ang nasabing mga mambabatas na ito sa naging resulta ng naturang survey.
Kamakailan lamang ay maingay na lumabas sa mga periodiko at radyo ang balitang paglapit at pakikipagkalakalan nila Satur sa isang Presidentiable. Ito diumano ay ang pagbebenta ni Saturn g 2 milyong command votes ng CPP kapalit ang pwesto sa gabinete.
Naging malinaw ngayun ang intensyon ng pagbenta ng boto nila Satur. Ang pagkandidato ng grupo nila Satur sa pagka senado ay maaaring isang stratehiya upang magkaroon ng alyansa sa mga ibang pulitiko at makalapit sa mga presidentiables. Una, upang makakuha ng tulong pinansyal at lohistikal sa mga kaalyadong pulitiko. Pangalawa at ang totoong dahilan ay ang makakuha ng mga posisyon sa gabinete.
Bilang isang bansa kung saan umiiral at binibigyan importansya ang demokrasya ay maganda nga sana ang pagsabak ng mga tulad nila Satur, Liza at Teddy sa eleksyon at ang kanilang hangarin na mapabilang bilang mambabatas ng bansa upang ang kanilang sinisigaw na mga hinaing laban sa gobyerno ay matulungan nilang masolusyunan. Pero sa tatlong termino nila sa Kongreso ay wala naman pinagbabago at sila pa din ang nangunguna sa kalsada at direktang nag-aaksaya ng pera ng bayan upang magprotesta.
At ang nakalulungkot ay sa loob ng mahigit siyam na taon na pagkakataon nilang makibahagi sa pagbabago ay ni minsan hindi man lang narinig na nagsalita si Satur o ni isa sa mga militanteng representante laban sa mga armadong NPA. Walang namutawi na pagkondena mula sa tatlong mambabatas hingil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga NPA. Tulad na lang nang huling nangyari sa Toboso sa Negros Oriental kung saan tatlong sibilyan ang kanilang napatay. Ni minsan ay hindi rin natin sila naringgan ng pagkondena laban sa MILF at ASG na patuloy pa din naghahasik ng lagim sa Mindanao at bumibiktima ng ilang daan nating mga kababayan. Bakit sa ganitong usapin ay tila nagiging bulag, pipi at bingi ang tatlong senatoriables?

Liza Masa,
MAKABAYAN,
NPA,
Satur Ocampo
Monday, July 20, 2009
CPP-NPA PANIGURADONG DOBLE KARA SA PEACE NEGOTIATIONS
Maugong ang balita na ang peace negotiations na balak simulan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines kasama ang armadong grupo na New People’s Army sa dadating na Agosto ay isang pakana lamang upang “utuin” ang administration ni Arroyo. Sa kagustuhan kasi ng gobyerno na makamit ang tinatawag na “lasting peace” sa ating bansa at patuloy na umusad na ang ating ekonomiya ay handa itong maniwala at bigyan ng pagkakataon ang mga tulad ng CPP at NPA sa usapang pangkapayapaan. Ngunit, hindi nila alintana na ang kanilang kausap ay doble kara pala.
Matagal nang nakabinbin ang peace talks sa pagitan ng dalawang kampo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tuluyang umuusad dahil patuloy pa ring nagpapakita ang mga rebelde ng kanilang kawalan ng respeto sa karapatang pantao ng mga sibilyan. Isang halimbawa na lamang ay ang pinakahuling atake na inilunsad ng mga ito sa bayan ng Toboso sa probinsya ng Negros Occidental nitong July 13 kung saan mahigit sa 30 armadong rebelde ang nagpaulan ng putok sa isang Isuzu Canter truck na sinasakyan ng mga sibilyan. Dahil dito ay tatlong estudyante ang agarang namatay sa insidente habang ilan sa kanilang iba pang mga kasamahan ay lubhang nasugatan.
Nakakalungkot na ang gobyerno ay handang ipatupad muli ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) para patunayan ang kanilang sinseridad na makamit ang kapayapaan sa bansa pero ang mga NPA ay patuloy pa ding sumasalakay sa ibat-ibang parte ng bansa. Pati mga inosenteng sibilyan ay kanila nang inaatake ng walang kalaban-laban. Paano tayo maniniwala na kapayapaan ang hangad nila kung ganito ang kanilang pakikitungo sa ating gobyerno? Hindi ba ito ay isang konkretong halimba na sila ay doble kara?
Paano mapapatunayan ni Jose Maria Sison, Luis Jalandoni at Fidel Agcaoili na susundin ng mga NPA ang alituntunin sa peace negotiations at sa panahong magdeklara ng pagkakasundo ang dalawang kampo kung ngayon pa lamang ay hindi nila mapasunod ang mga rebelde? Tulad na din ba sila ng mga MILF na may mga paksyon na direktang kumakalaban sa kanilang liderato at ngayon ay naglulunsad na ng sarili nilang mga operasyon? Ito ay hindi imposible dahil may umiikot din na bulong-bulungan na may kumokontra mula sa kanilang hanay sa gaganapin na peace talks at mas gusto na tuluyang maglunsad ng kaliwat-kanang pag-atake hindi lamang sa mga sundalo kung hindi pati na din laban sa mga sibilyan.
Ito ba ang klase ng mga grupo na dapat bigyan tiwala ng ating gobyerno?

Tuesday, June 9, 2009
PUTTING A STOP ON NPA’s INDISCRIMINATE KILLINGS
For the past two weeks the Communist Party of the Philippines and the New People’s Army abducted and killed one unarmed soldier; his corpse was later found lying across a provincial road with traces of torture. Ssgt Rollin Maglangit under the 36IB was captured in a CPP-NPA controlled check-point in Km 33, New Visayas, Langkilaan, Trento, Agusan del Sur. About a hundred of Reds army under the PBC-5 Southern Mindanao Regional Command (SMRC) caught-up on Rollin, whose corpse was discovered May 23rd.
Man Hunt or Death Chase?
About one hundred battle-ready rebels disarmed and nabbed Ssgt Maglangit early morning of May 22nd while on his way home. Taking-in prisoners during legit operations are reasonable. But indiscriminate singling-out of soldiers while they are off duty not to mention the premeditated torture and killing are deemed illogically and criminally aligned. This proves that Communist machinations evolve coward and dastard acts of felony. Stabbing the enemy at its back seems the only potent weapon of the CPP-NPA-NDF.
Disgustingly, NPA-SMRC claims that Maglangit’s death was reasonable. In fact, the NPA was trying to portray a “mad-man” who resisted against a hundred of armed opponents. Maglangit was not delusional to think that he could out-win such a ratio. He was kept in an NPA-concentrated camp; inducing a confrontation where he sure is outnumbered was obviously not part of his sane move. The NPA claiming Maglangit run-off at about a distance from his pursuing captures where he was eventually shot to death was by far a blatant made-up scenario.
There was not a chase. Else, there was a death hunt. Maglangit was made into a living target for the Reds to practice their aims at. The NPA made mercilessly killed an unarmed man to avenge about a dozen of their comrades killed and wounded during the open-offensive in COMVAL for the past months. Maglangit’s death was a trophy for the narrow-minded Communist idealist. And that leaving his lifeless body behind was the apex of the CPP-NPA’s showing-off.
Vulnerability to Communist Threat
The CPP-NPA was in no authority to establish and man checkpoints in the land where democracy overrules Communism. Civilian vehicles held in these posts that were either extorted or threatened were by far evidence of how the CPP-NPA suppresses human rights. Where does their acclaimed mantra of freeing the people of injustice fit in this picture? The leftist liberators were nothing less than the very suppressors the people are up against.
We hear militants crying-out for demilitarization? Has it crossed their minds that demilitarizing our lands mean giving-in to the CPP-NPA mandate? This would give them the opportunity to exploit our countryside, establish shadow jurisdiction and worse play demi gods and subject civilians to further pillage. This is outrightly arming ruthless criminals and openhandedly condoning their crimes. Abuse is but the only ideology the CPP-NPA does not fail to commit. For one, it was not such an issue for them to decapitate one of their own; remembering the 1980-1990 purging or cleansing operation of the CPP that turned a huge part of Samar and Bukidnon into dreaded killing fields.
The presence of about 163 guerilla fronts across the country posed a threat to the core of democratic freedom. Having recruits ages 8 to 80 and practically grooming them for battle in hopes to have Jose Maria Sison or Benito Tiamzon to come into power is nonetheless tyranny and deceit playing a major rule for greed to rule. About 5 out of 10 civilians are made vulnerable to Communist intimidation; the other half was later deduced as collateral damages. That is, as civilians served no less than their effective shield against pursuing government troops.
This year alone, about 40 liquidations were carried-out by the CPP-NPA not to include the series of landmining in the provinces of Rizal and the Bicol region. Landmining was ruled illegal in the Geneva conventions since this not only poses direct threat to civilians but is an act of treachery. However, the CPP-NPA bearing their clear disregard for the said engagement had by far violated said rule over and again. Their persistent claim of taking-over in whatever cost and consequence made them the criminal and menace that they are now. Other than gangsterism, the CPP-NPA is quickly developing into a mafia magnate where its extorted multi-millions or “protection racket schemes” bought several mansions and assets under the name of its leadership.
The CPP-NPA minding their abusive nature as discussed has no doubt actuated the murder of Ssgt Maglangit. To this, they should face trial and be held accountable.

CPP-NPA,
CPP-NPA-NDF,
New Peoples Army,
NPA
Saturday, May 30, 2009
ATAKE NG NPA SA PHIL COCONUT AUTHORITY, KINONDENA
Muling nagpakita ng pagka-kriminal ang mga New People’s Army sa huli nitong ginawang atake sa isang opisina ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa bayan ng Dinalongan sa probinsya ng Aurora noong nakaraang May 21, 2009. Ang pag-sunog sa isang gusali ng PCA ay inilunsad ng mahigit 15 na miyembro ng mga rebelde sa pangunguna ng kanilang lider na si Rommel Tucay Bustamante @ Isaac laban sa ilang security guards na nagbabantay sa naturang lugar. Ang nasabing insidente ay kinondena ng mga lokal na mga residente na nagpahiwatig ng takot at galit bunsod ng nasabing krimen na naglagay sa kanilang mga buhay sa peligro.
Simula ng taon na ito, ang mga NPA ay nakapaglunsad na ng tatlong pag-atake sa probinsya ng Aurora. Ang unang insidente ay naganap noong Pebrero 19, 2009 laban sa Toplite Logging Concession kung saan isang bulldozer truck na pag-aari ng kumpanya ang sinunog ng mga rebelde at inihulog sa bangin. Samantala, ang pangalawang insidente ay nangyari noong Pebrero 20, 2009 laban naman sa Integrated Development Corporation kung saan dalawang bulldozer truck ng IDC ang sinunog at inihulog din sa bangin sa bayan ng Dinalungan. Ang nasabing mga insidente na inilunsad mismo ng grupo ni Bustamante ay nakapagdulot ng ilang milyong pinsala sa mga nasabing korporasyon at nakapagbigay pangamba sa mga lokal na residente na nakasaksi sa mga pag-atake ng mga NPA.
Bukod sa paninira ng mga kagamitan ng mga pribadong kumpanya at ng gobyerno, ang grupo ni Bustamante ay direkta ding sangkot sa pagnanakaw noong Pebrero 27, 2009 na bumiktima sa Aurora State College of Technology (ASCOT) sa Brgy Bazal sa bayan ng Maria.
Ayon sa isang Barangay Captain na tumangging magpakilala ay labis-labis na perwisyo ang dinudulot ng mga rebelde sa kanilang lugar dahil bukod sa paninira ay nababalot pa sa matinding takot ang mga residente, takot na nagpwe-pwersa sa ilan sa kanila na umalis na lamang sa kanilang tirahan at lumipat sa mas ligtas na lugar.

Thursday, May 7, 2009
PANLALAGLAG NI JOMA SISON SA CPP, NAAAMOY NA
Hindi na mapagkakaila ni Jose Maria Sison, kilalang lider ng Communist Party of the Philippines, na nawawalan na ng tapang ang kaniyang liderato sa nasabing partido. Maituturing kasing malaking pruweba ang biglang pagkabig ni Joma mula sa dati nitong paninindigan laban sa pakikilahok sa eleksyon sa bansa. Matatandaan na tahasang kinutya ni Joma ang desisyon ng Partido Komunista ng Pilipinas na iwan ang armadong pakikibaka (armed struggle) at sumabak sa parliamentary struggle noong 1957, isang desisyon na ayon mismo kay Sison ay ang naging mitsa ng tuloy-tuloy na pagbagsak at pagkawasak ng nasabing organisasyon at ang tinuturong dahilan sa likod ng pagkalas ng ilang miyembro sa pangunguna ni Sison at upang sila ay magbuo ng isang bagong partido – ang CPP at ang NPA.
Kung ating susuriin ang mga napapabalitang huling mga pangyayari sa loob ng CPP tulad ng nangangamoy na awayan sa pagitan ni Sison at mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon at mga binitawang salita ni Joma patungkol sa bagong tatag na MAKABAYAN ay makikita natin na siya ay napilitan lamang na kumabig mula sa nauna niyang desisyon hingil sa eleksyon. Dahil maugong ang pagkademoralisa sa hanay ng mga armadong NPA particular na ang mga taga Visayas at Mindanao at ang pagkampi ng mga ito kina Benito at Wilma Tiamzon ay minarapat ni Joma na humanap ng ibang paraan upang makabawi at ibang taong makakapitan.
Dito ngayon pumapasok si Bayan Muna Representative Satur Ocampo na matapos makaramdam ng tamis ng tagumpay sa nakaraang mga tatlong party list elections at makapamuhay ng marangya bilang isang kongresista ay ngayon naghahangad naman ng mas mataas na pwesto sa gobyerno bilang senador. Upang maisakatuparan ang planong pagkandidato sa pagkasenador ay nagtutulak ngayon si Satur ng isang agrisibong paraan na pinabasbasan mismo kay Joma Sison - ito ang pagbuo ng isang koalisyon na tinatawag na MAKABAYAN na intensyonal na liligaw at kukuha ng suporta ng mga kilalang TRAPO sa ating bansa.
Ngayon, ano ang pakinabang ni Joma sa pagpalit ng naunang paninindigan patungkol sa eleksyon at upang pumayag ito na mabuo ang MAKABAYAN? Ang pagtulak ng tinatawag na parliamentary struggle ay pwedeng magdulot ng isa sa dalawang bagay lamang para kay Sison. Una, marahil ay nakita at gustong gayahin ni Joma ang pagpupunyagi ng Communist Party of Nepal na ngayon ay nakaupo bilang dominanteng partido sa Nepalese Parliament at pwedeng magpabulusok din sa matagal nang rebolusyong inilunsad ng CPP. Pangalawa, ito ay kaniyang ginawa upang resolbahin ang kaniyang malalim na problema sa Partido laban sa mag-asawang Tiamzon at ginagamit niya ang eleksyon upang maging mitsa ng pagbagsak ng CPP tulad na lang nang sinapit ng PKP noong 1957.

Subscribe to:
Posts (Atom)