Tuesday, February 2, 2010

KIMAY’S DEATH SAD TRUTH OF REDS’ YOUTH EXPLOITATION

Walang pinagkaiba ang kamatayan ni Kemberly “Kimay” Jul Luna sa porsyento ng mga kabataan na nilulumpo ng nakakahibang na druga o di kaya’y walang kabuluhang hazing. Kung iisipin mas kahindik-hindik pa. Buhay ng isang promising youth ang nalagas para sa pulang bandila na hinaharian ni Jose Maria Sison. Nakikibaka ang tulad niyang mga kabataan hindi para sa demokrasya, kung hindi para palitan ito ng Komunistang diktadorya kung saan maghahari lang ang iilan. Ang nakakalungkot pa, isa si Kimay sa mga kabataang nabulag sa kapangyarihan ng armas.

Ang bulok na pananaw ng kaliwa ang tanging dahilan ng pagkamatay ng promising youth na si Kimay. Walang dapat ipagbunyi sa nasayang na buhay ng dalaga. Naaatim ng NPA na mag-recruit ng menor de edad o di kaya’y kabataan sa kanilang grupo habang patabaing-baboy ang mga lider nito sa labas ng bansa tulad nina Sison. Ang taong nagpasimuno sa Komunistang pagkilos, nagsasaya sa immunity nito sa labas ng bansa.
Anong ehemplo ang naisabuhay ni Ka Kimay? Rebeldeng tinalikuran ng taong pinaglalaban niya? Ang maging isa sa mga armadong nanloloob sa mga kawawang sibilyan kapalit ng bigas o pera? Ano ang ikinaiba ng buhay ni Kimay sa mga pusakal na nagtatago sa bundok, may armas at pumapatay. Anong demokrasya ba ang pinaglaban niya?

Kung nailagay sana sa tama ang husay ni Kimay hindi lang kapiranggot na mensahe sa dyaryo ang naging deskripsiyon ng buhay niya. Ito ang ehemplo ng exploytasyon sa NPA. Sa ganitong paraan nakakalikom ang NPA ng mga kabataang gagamitin nitong buhay na bulletvest sa mga bakbakan. Sa kasamaang palad nag-eendorso pa ang NPA na pamarisan ng iba pang kabataan si Kimay. Ang mamatay sa madugong pakikidigma para sa kapakanan ng ibang nakahilata ay hindi kailanman magiging tama.

No comments:

Post a Comment