Muling nagpakita ng pagka-kriminal ang mga New People’s Army sa huli nitong ginawang atake sa isang opisina ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa bayan ng Dinalongan sa probinsya ng Aurora noong nakaraang May 21, 2009. Ang pag-sunog sa isang gusali ng PCA ay inilunsad ng mahigit 15 na miyembro ng mga rebelde sa pangunguna ng kanilang lider na si Rommel Tucay Bustamante @ Isaac laban sa ilang security guards na nagbabantay sa naturang lugar. Ang nasabing insidente ay kinondena ng mga lokal na mga residente na nagpahiwatig ng takot at galit bunsod ng nasabing krimen na naglagay sa kanilang mga buhay sa peligro.
Simula ng taon na ito, ang mga NPA ay nakapaglunsad na ng tatlong pag-atake sa probinsya ng Aurora. Ang unang insidente ay naganap noong Pebrero 19, 2009 laban sa Toplite Logging Concession kung saan isang bulldozer truck na pag-aari ng kumpanya ang sinunog ng mga rebelde at inihulog sa bangin. Samantala, ang pangalawang insidente ay nangyari noong Pebrero 20, 2009 laban naman sa Integrated Development Corporation kung saan dalawang bulldozer truck ng IDC ang sinunog at inihulog din sa bangin sa bayan ng Dinalungan. Ang nasabing mga insidente na inilunsad mismo ng grupo ni Bustamante ay nakapagdulot ng ilang milyong pinsala sa mga nasabing korporasyon at nakapagbigay pangamba sa mga lokal na residente na nakasaksi sa mga pag-atake ng mga NPA.
Bukod sa paninira ng mga kagamitan ng mga pribadong kumpanya at ng gobyerno, ang grupo ni Bustamante ay direkta ding sangkot sa pagnanakaw noong Pebrero 27, 2009 na bumiktima sa Aurora State College of Technology (ASCOT) sa Brgy Bazal sa bayan ng Maria.
Ayon sa isang Barangay Captain na tumangging magpakilala ay labis-labis na perwisyo ang dinudulot ng mga rebelde sa kanilang lugar dahil bukod sa paninira ay nababalot pa sa matinding takot ang mga residente, takot na nagpwe-pwersa sa ilan sa kanila na umalis na lamang sa kanilang tirahan at lumipat sa mas ligtas na lugar.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment