Nakipagkita kamakailan si Bayan Muna Rep. Satur OCAMPO sa isang Presidentiable. Sa nasabing pagkikita ay inalok ni Satur ang nasabing Presidentiable ng 2 milyong boto. Ngunit, mariing tinanggihan ng nasabing Presidentiable na ngayo’y senador, ang alok ng malaman nito na ang kapalit ng 2 milyong boto ay ang pagbibigay ng apat na cabinet posts sa kaniyang administrasyon at chairmanship sa mga ilang committees sa senado kung ito ay manalo sa dadating na eleksyon sa 2010.
Ang meeting ay nagpapatunay lamang na isa-isa ng nilalapitan ng Makabayan ang mga kilalang presidentiables sa pamamagitan ni Satur Ocampo, Teddy CasiƱo, at Liza Masa bilang kanilang opisyal na mga negosyador.
Nagpapatunay sa isang natuklasang dokumento kung saan nakasaad ang criteria ng CPP sa pagbibigay ng endorsement sa mga nilapitan na presidentiables.
“Critical Support - pepwedeng magkaroon ng suporta sa isang presidentiable, pero ililinaw natin na hindi bulag na endorsement. May kasunduan tayo at posibleng i-critic kung di sya tutupad sa mga pangako nya. Nililinaw natin sa public ang kanyang mga posibleng kahinaan”
Ayon pa sa CPP document, kasama sa sinasabing criteria sa pagpili ng susuportahang Presidentiable ang mga sumusunod:
1. Plataporma na dapat ay pasok sa idelohiya ng CPP o di kaya ay hindi kokontra sa mga plano ng CPP;
2. Resources na lumalabas ay doble dahil iba yung hihingin para tustusan ang kampanya ng Makabayan at iba pa rin yung para sa movement.
3. Pangako na makapagbibigay ng post-elective positions sa magiging administrasyon sakaling manalo.
4. Kakayahang manalo ng presidentiable.
5. Maisama ang mga suportadong candidates sa local at national positions.
Ang pag-alok ng 2 milyong boto at ang hinihinging kapalit ni Ka Satur ay isang kongkretong ehemplo na nagbebenta ng boto ang Bayan Muna at ito ay dapat maimbestigahan ng COMELEC sa lalong madaling panahon.
Sa pagtanggi ng nasabing Senador ay maaaring hindi lang isa ang nilapitan ng grupo ni Satur para ialok ang nasabing 2 milyong boto.
Ang political strategy ng Makabayan na makiki alyansa sa lahat ng maaaaring makapitan upang masiguro ang kanilang posisyon sa darating na eleksyon kung sino man ang manalo. Kaya naman pati Si dating Pangulong Erap na noon ay kinasusuklaman din nila Satur ay ngayo’y kaanib na nila.
Alam nila Satur na ang isang appointed Cabinet Secretary ay may kapangyarihang mag-appoint ng kaniyang nagugustuhang undersecretaries at nagmimistulang hari ng kaniyang departamento.
Para sa mga Kasama,
Isang malugod at makabuluhang pagbati para sa mga kasama na nakapag paabot ng mga impormasyon at mga mahahalagang dokumento na magpapatunay ng mga buktot na gawain ng CPP-NPA-NDF. Upang ito ay maipaabot sa kaalaman ng ating mga kababayan.
MABUHAY!!!
The Unheard NPA Victims
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment