Sunday, August 9, 2009

DAGLING PAGLIMOT SA KRIMEN NG CPP-NPA MAKATAO PA BA?

Hindi lingid sa publiko ang maya’t-mayang pagbaliktad ng Partido Komunista at ng armadong sangay nitong New People’s Army sa negosasyon para kapayapaan. Sa simula ng panungkulan ni Gloria apat na beses na pumalya ang pakikipag-usap ng pamahalaan dulot na din ng sari-saring paglabag ng naturang rebeldeng grupo. Noong taong 2001, tumalikod sa “negotiating table” sina Jose maria Sison matapos na mapaloob sa US at EU “watchlist of terrorist”. Naging basehan kasi sa naturang pagleleybel sa CPP-NPA matapos nitong pangunahan ang malawakang pangingikil sa mga lokal at foreign-led investments sa bansa, political killings tulad na din ng pagpatay ng grupo kay Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo, Hunyo a-singko ng taon ding yun at ang lantarang pagtangkilik at pagsuporta ng grupo sa mga krimeng pinangungunanhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao.

Ang pangalawang “impasse” o antala sa negosasyon ay ang hiling ng CPP-NPA na pakawalan ang mga nadakip na lider at miyembro nito sa buong bansa na nakakulong sa mga salang multiple-murder, gun-robbery at maging ng illegal possession of explosives paraphernalia at high-powered firearms. Ang mga naturang suspek ay gustong ipasok ng Partido Komunista sa JASIG program o ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees. Kung iisipin, ang mga aktibong miyembro lang ng National Democratic Front o NDF na hindi pumapaloob sa armadong rebolusyon ng NPA ang dapat na sumailalim sa naturang pribilehiyo; lalo na ng mga kasapi sa negotiation panel.

Sa panimula kasi ng pormal na negosayon, nagbibigay ang NDF panel ng mga aliases na dapat ay makilahok sa negosasyon at dapat na bigyan ng immunity o JASIG. Random ang mga aliases na ito walang kasiguruhan na di ginagamit ng iisang miyembro lamang ng Partido Komunista. Kaya naman sa tuwing may nahuhuling malalaking opisyales ng NPA, dinadahilan ng NDF Panel na illegal ang naturang pag-aresto dahil kasama ito sa mga taong may alias na nakapaloob sa JASIG agreement. Kaya naman, tulad ng inaasahan naaabuso na naman ang usaping pangkapayapaan.

Sa kabila nito, nagawa pa ring palagpasin ng estado ang tila walang kaabog-abog na panlilinlang ng kampo ni Sison at Luis Jalandoni. Kaya naman sa muling paghatak ng gobyerno sa naturang grupo noong taong 2004 at 2008, muli na namang nilatag ng CPP ang muling pagpapalaya sa mga kasamahan kasama na ang pagsasabisa ng JASIG. Ang mas baluktot na kahihinatnan sa usaping ito ang patuloy na pagtaas ng antas ng CPP-orchestrated crimes sa bansa. Paunang biktima ng mga ito ang mga walang kalaban-labang Magsasaka at maging ng mga Indegenous tribes sa kalakhang Cordillera at South-Central Mindanao.

At ngayon nga, sa muling pagbubukas ng usaping pangkapayapaan hindi masamang uliratin ng publiko ang nagawang pagsasabisa ng JASIG o immunity program sa Komunistang grupo. Hindi nga ba nahuhulog sa tiyempo ng CPP-NPA ang JASIG sa kanilang anunsiyo ng all-out na opensiba kontra military? Suma total, sa mahigit dalawang-linggong pagpapatupad ng JASIG mayroon nang nailathalang labing-limang pang-haharass, liquidations at pagpapasabog ng mga pribadong establishyemento sa bansa. Kaloob na diyan ang insidente sa Negros Occidental na ikinamatay ng tatlong sibilyan at ikinasugat ng tatlo pa noong ika-atrese ng Hulyo.

Ito ba ang mga taong nais nating bigyan ng immunity laban sa saligang batas?

No comments:

Post a Comment