Tuesday, August 25, 2009

GAMITAN SA LOOB AT LABAS NG MAKABAYAN

Liban sa maugong na pakeke-eksena ni Teddy Casiño sa muling pagtakbo ni Erap Estrada ngayong darating na 2010 elections, nagawa ding bigyan ng basbas ng MAKABAYAN o Makabayang Koalisyon ng Mamamayan ang lantarang balimbingan ng iba pa nitong miyembro sa iba’t-ibang Political Parties tulad ng NP at LP nina Manuel Villar at Mar Roxas.

Kasado na kasi ang hayagang pagkalat-kalat ng MAKABAYAN para tuluyang mapasok o kaya’y makahakot ng suporta sa mga liderato ng Genuine Opposition. Dangan kasi paraan ito upang hindi mapagsarhan ng pinto ng Malacañang ang MAKABAYAN kung kagyat mang matalo ang mga sinusuportahan nito.

“Variety of support” ang isinisulong ng MAKABAYAN sa ngayon lalo na’t pumaparoo’t parito ang mga taga suporta nina Villar, Estrada at Roxas. Wala naman kasing tiyak na mawawala sa MAKABAYAN kung makikanib ang isa o dalawa sa mga ito sa naituring nilang mga TRAPO lalo na’t nakasalalay rito ang pagpasok ng mas malaking pondo para sa pangangampanya ng mga suportadon nitong kandidato.

Kung Plan A ng MAKABAYAN ang paghugot ng voting bloc mula kampo Erap hanggang Villar, Plan B naman ang paninipsip para maambunan ng cabinet positions sakaling matalo ang isa o higit pa sa grupo sa pagtatapos ng canvassing. Tulad ng inaasahan, ang palitan ng pabor ng kung sinu mang maihahalal sa 2010 mula sa mga miyembro ng MAKABAYAN ay tiyak pa keysa all-out na panalo ng senatorial slate nito na pinangungunahan ni Satur Ocampo. Kasi naman, may partisipasyon ang MAKABAYAN sa lahat ng mga kandidatong pagka-pangulo.

Ang mga senatoriables na sina Liza Masa, Teddy Casiño at Rafael Mariano ay tila mga “moles” ng MAKABAYAN sa panguluhan ng 2010 na magdadala ng extended power sa iba pang kabilang sa Partido. Kasi naman, ang utang na loob ng isang panguluhan sa alin man sa mga MAKABAYAN-supported senatoriables na ito ay pagkakautang niya sa MAKABAYAN bilang iisang grupo.

Win-win solution ang MAKABAYAN kung sakali mang pagdamutan sila sa Senado at mailuklok na lang bilang mga cabinet secretaries. Mula sa ilalim, panghahawakan ng MAKABAYAN ang takbo ng panguluhan ng kung sino mang naihalal. Dito magagawang gamitin ng MAKABAYAN ang mga shared-executive rights or pribilehiyo na di na rin nalalayo sa mga kapangyarihan ng nasa Senado. Bilang parte ng administrasyon, magiging ma-impluwensiya ang MAKABAYAN maging sa pag repaso ng mga desisyong eksekyutibo.

No comments:

Post a Comment