Sunday, August 23, 2009

1B PONDO NG CPP-NPA-NDF PARA SA ELEKSYON

Sa halagang isang bilyong piso balak paganahin ng People’s Democratic Coalition o mas kilala sa tawag na MAKABAYAN ang kanilang plano sa dadating na eleksyon sa 2010. Sa ganito kalaking halaga ay sinisiguro ng Partido na makapwesto sina Satur Ocampo, Liza Masa, Rafael Mariano at si Teddy Casiño bilang bagong mga senador ng bansa dahil tig-50 milyong piso ang itinalagang budget ng Communist Party of the Philippines para sa apat na mga representante. Bukod sa tig-50 milyon na budget kada isa, ay pagaganahin din ng CPP ang isang malakihang bilang ng “poll watchers” para bantayan at siguraduhing makakakuha ng sapat na bilang ng boto at upang sila ay makasama sa “Magic 12” na mga senador.
Ang lahat ng ito ay natuklasan sa pamamagitan ng isang dokumento na lumabas sa pahayagang Philippine Star na sinulat ni Jaime Laude nitong Agosto 12 lamang. Ayon sa nasabing storya, maliban sa 1 bilyon na preparadong budget ng MAKABAYAN ay nag-aantay pa itong makatanggap ng pinangakong donasyon mula sa isang kilalang senadora na huling nag-anunsyo ng kaniyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2010.
Bukod sa una nang naisulat ni Laude, napag-alaman din na ang nasabing meeting na ginanap noong Disyembre 21, 2008 ay dinaluhan ng ilang kilalang personalidad mula sa ibat-ibang organo ng CPP mula sa Central Luzon, Cagayan Valley, Southern Tagalog, Bicol Region at mula dito sa Metro Manila. Ngunit sa nasabing pagtitipon ay kapansin-pansin ang hindi pagdalo ng mga delegasyon mula sa Visayas at Mindanao na maaaring magpatunay sa namumuong malaking hidwaan sa loob ng CPP partikular sa pagitan ng kanilang mga lider na si Jose Maria Sison at si Benito Tiamzon kasama ang kaniyang kabiyak na si Wilma Tiamzon. Base sa ilang impormasyong nakalap, ang hidwaan ay nagbunga mula sa biglaang pagkabig ni Joma sa usaping paglahok ng Partido sa eleksyon ng bansa na dati-rati naman ay kaniyang mariing tinututulan.

No comments:

Post a Comment