Wednesday, December 30, 2009
CHR, NAMIMILI NG PROPROTEKSYUNAN
Marami ang nagtataka sa inaasal ni Commission on Human Rights (CHR) Chair na si Leila De Lima kaugnay sa dineklarang martial law sa probinsya ng Maguindanao. Ayon sa kaniyang pahayag ay direkta niyang ipinag-utos sa kaniyang mga tauhan ang mahigpit na pagbabantay sa mga miyembro at galaw ng 601st Brigade ng Philippine Army at iba pang pwersa ng gobyerno. Kung susuriin, nagpakita agad si De Lima ng pagka-bias dahil tahasan nitong sinabi na may magagawang pagmamalabis sa karapatang pantao ang pwersa ng gobyerno sa kanilang ginagawang pagtutugis sa mga suspek ng Maguindanao massacre na kumitil sa buhay ng 57 katao.
Ito marahil ang dahilan kung bakit nagmimistulang pipi at bingi ang CHR sa ibang kaso ng pag-aabuso sa karapatang pantao dahil ang kanilang atensyon ay nakatuon lamang parati sa pagbabantay sa gobyerno. Dahil dito, isang mensahe ang gustong iparating ng taong bayan sa pinuno ng CHR na si Leila De Lima. Marami pang grupo sa bansa ang may kapasidad na gumawa ng pang-aabuso sa karapatang pantao. Isa sa pinakamatindi ay ang mga NPA na walang habas na pumapatay sa ilang probinsya tulad ng napatunayan sa natuklasang mass graves sa Inopacan, Leyte. Ito ay bukod pa sa mga araw-araw nilang ginagawang pang-aabuso sa mga probinsya kung saan sila ay walang patumangging pumapatay ng mga sibilyang nagpapahiwatig lamang ng pagkontra o paglaban sa kanilang mga iligal na mga gawain. Hindi ba’t wala silang pinagkaiba sa pumatay sa Maguindanao?
Inamin na mismo ni De Lima na ang pagdeklara ng martial law sa Maguindanao ay nagbukas ng isang maganda oportunidad para maglakas loob ang maraming testigo na nagnanais isiwalat ang mga naging krimen ng mga pamilya Ampataun na sinasabing suspek sa naganap na masaker. Ayon mismo kay De Lima ay matagal nang nabalitaan ng kaniyang tanggapan ang ilang insidente ng pagpatay na ginagawa ng mga Ampatuan ngunit dahil na rin sa kanilang takot ay hindi nila ito maimbestigahan kung kaya’t umabot ito ng ilang buwan bago ipinag-alam sa publiko at mga kaukulang awtoridad.
Ang ahensya tulad ng Commission on Human Rights (CHR) ay hindi dapat nagproprotekta lamang ng ilang piling grupo o sektor ng lipunan. Maigi na imulat ni Chair Leila De Lima ang kaniyang mata at maging patas sa mga imbestigasyon na gagawin ng kanilang ahensya. Mainam na binabantayan nila ang sitwasyon sa Maguindanao ngunit dapat din ay maging mulat sila sa mga krimen laban sa karapatang pantao na nagaganap sa ibang panig ng bansa.
Labels:
CHR,
Leila De Lima,
Maguindanao Massacre,
NPA
Tuesday, December 29, 2009
MGA MILITANTE ABUSADO TUWING NAG-RARALLY
Muli nating napatunayan na sadyang delikado ang pakikilahok sa mga kilos protesta lalo na iyung mga inilulunsad ng mga tinatawag na mga militanteng grupo. Noong nakaraang Disyembre 02 sa mismong loob ng University of the Philippines ay muling nagpakita ng labis na pagka-agresibo ang mga kabataang miyembro ng Anakbayan at ilang union members ng UP habang sila ay nagpupumilit na suwagin ang mga nakabarikadang personnel ng PNP na naimbitahan lamang magbigay seguridad sa nakatakdang pagdalaw ni Pangulong Gloria Arroyo sa naturang lugar.
Makikita sa mga video coverage na pinalabas sa mga iba’t-ibang telebisyon na hindi talaga nirerespeto ng mga kabataang aktibista ang mga unipormadong pulis habang pilit nilang winawasak ang mga barikadang nakatayo sa lugar. Dahil sa kanilang naging aksyon ay nagmistulang walang bisa ang mga isyu na kanilang isinisigaw laban sa kasalukuyang administrasyon dahil mas tinutukan pa ng mga taga-pagmasid ang naging hablutan at habulan na nangyari sa pagitan ng mga militante at ng mga pulis. Dahil sa pangyayari ay napapa-iling tuloy ang ilang sektor sa ating lipunan gayung hindi na lamang simpleng pagsigaw-sigaw ng anti-government slogans ang ginagawa ng mga raliyista kung hindi isang tahasang paglabag sa batas dahil harapan nilang binabastos ang mga police authorities. Sa ibang bansa ay agarang pag-aresto at pagkakulong ang katumbas ng isang ganitong aksyon laban sa kanilang mga kapulisan, ngunit dito sa Pilipinas kahit batuhin o di kaya ay murahin ang mga pulis ay sila pa ang napagbibintangan na nagiging marahas. Kung susuriin ang ganitong mga pangyayari na kadalasan nating nakikita sa kalsada tuwing may mga rally ay maiisip tuloy natin na sinasadya na lamang ng mga militante ang pag-atake sa mga pulis upang sila ay gamitan ng dahas at upang sila ay pwersahang damputin at ikulong dahil sa panggugulo at kawalan ng rally permit.
Sa ating bansa ay binibigyang halaga ang tinatawag na freedom of speech pero ito ay kadalasang inaabuso ng mga militante tulad na lamang ng nangyari sa UP at sa kamakailan lamang sa Mendiola kung saan binato pa ng nakalukot na papel si Press Secretary Cerge Remonde na naglakas loob na harapin ang mga nagpro-protestang grupo bilang kaniyang pakikipag-simpatya sa isyu patungkol sa Maguindanao Massacre na kanilang idinadaing.
Nakakalungkot na ganito ang nakikita ng ating kabataan sa kanilang kapwa kabataang militante. Bagama’t mga edukado ay pinakita nila na sila ay walang galang. Marahil ito lamang ang kanilang natututunan sa patuloy na pakikisalamuha sa mga grupo tulad ng Bayan Muna ni Satur Ocampo at iba pang organisasyon tulad nila. Dahil nagiging katumbas ng nga aktibismo ang maling kaugalian ng pagkawalang galang at respeto, maiisip tuloy ng nagmamasid kung may ipinaglalaban pa nga ba ang mga grupong ito o talagang pangugulo lang ang hangarin nila.

Anakbayan,
Bayan Muna,
Pangulong Gloria Arrooyo,
UP Diliman
Sunday, December 27, 2009
REBS’ HIGH CRIMES REVISITED “NPA's are just as guilty as the Ampatuans”
What the justice system and civil rights groups lack in its pursuit to solve high crimes in the country that includes mass murder is consistency and neutrality. Take for example the recent Maguindanao massacre that pictured terrifying political gangsterism in the country. The public hover over the issue for obvious reasons of partisan hype as it implicates an administration constituent. If it it is plainly for the underlying gravity of the murders the issue would not have propped-up this big. The 57 death toll indicted on the Ampatuans is not exactly this state’s grossly recorded victims of high crimes.
The Inopacan mass grave identified as a doing of the Communist Party of the Philippines (CPP) gives a much higher number in casualties and extent of execution. The purging operations or anti-infiltration campaign of the CPP launched in the early 1980’s speaks well of unresolved high crimes and use of illegally acquisitioned guns and ammunitions. The mass execution initiated by the Left may not be politically-inclined but it was also a show of force directed at the weak that fought against their pushed autocracy.
Instead of condemning the traces of purging operations in Inopacan, rights groups kept their silence. They were not interested on the magnitude of the murders since they cast it aside as immaterial. The probe on the veracity of the testimonials given by rebel surrenderees in line with the implication of Leftist personalities like Saturnino Ocampo did not even push through out since it came short of the public’s pressure or interests. The case died out and was ruled-out even before the investigations could take root.
We denounce the actions of the Ampatuans and yet we condoned those of the CPP-NPA. It is noticeable that selective approach on high crimes has been taking its toll on the country’s judicial system. This should be elemental in unmasking rights groups’ intents as they marvel on one controversy to the next to give the public a bird’s eye view on how bias and unreliable most civic groups are as they associate on hullabaloos with high crimes such as mass murder. They (rights groups) do not even attend to incidents that bear actual political relevance. It is easier for them to mark out Inopacan since it was for the interest of the government against a known insurgent. Riding-on the Inopacan massacre is like commending the administration they hate.
What is being overlooked in this stigma of partisanship is that the interests of the victims and the fair execution of justice are being cut back. It is directed to create another “issue” other than encouraging best solutions. Interest on a particular case should not be limited on whether it falls on a certain group’s “business” or mantra. It should be weighed base on the seriousness of the offense that caused human lives. Double standards have no place especially when so many victims are affected.

Thursday, December 17, 2009
OBVIOUS DISAPPOINTMENT IN SENATORIABLES
They initially approached Senator Mar Roxas to get his approval but were pointedly turned down because of an inappropriate proposal. Previous reports disclosed that Bayan Muna Representative Satur Ocampo personally offered to give two million votes to the candidacy of Mar in exchange for five cabinet posts. Next, Ocampo and Maza yet again tried to recover from the rejection by forging an alliance with Senator Manny Villar who initially obliged, but in the end only dropped them in favor of Congressman Bongbong Marcos and his political party, the Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
An unimpeachable source revealed that the failure of Satur and Gabriela Representative Liza Maza to successfully anchor their name to Villar’s senatorial slate has irked some of the top leaders of the the Makabayan party coalition. Apparently, some of them felt that Satur was not firm enough in his negotiating tactics and has failed to prove his worth to Villar, thus losing the would-be financial backing they could have generated from said presidentiable and even losing the alliances they could have successfully forged with NP’s different political allies in the various provinces, a resource that Makabayan was planning to tap for the victory of their allied party list groups such as Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Act, Courage, Migrante and Katribu.
Instead of preserving the one billion peso campaign fund which Makabayan allotted for the 2010 elections, the split from the NP ranks will now surely deplete the coffer of the party coalition. Instead of securing resources for their political party, Satur was only able to prove that Villar perceives Bongbong Marcos as someone who is more essential to his political plans; despite the promise of a two-million ensured votes from the ranks of Bayan Muna.
This early on, political observers are right to deduce that Satur and Liza will only be nuisance candidates for the 2010 elections. This could be entirely true given that rumors are flying that they are more inclined to accept post-elective posts from presidentiables; a fact that they have been injecting during their regular meetings with various presidential wannabes. Demanding post-elective posts despite not having much to barter with is definitely the work of people like Ocampo. Juan Dela Cruz could only wonder who among our presidentiables would still bite.
Watch this video:
http://www.youtube.com/watch?v=3bsodpmvfC8
(To watch: copy and paste it to the address bar.)
Thank you.

Liza Masa,
Satur Ocampo,
Teddy CasiƱo
Thursday, December 3, 2009
MILITANTE: VILLAR NAPATAWAD, MARCOSES TINABLA
Nagdeklara kamakailan si Representatives Satur Ocampo at Liza Maza ng kanilang desisyong tumakbo bilang independente sa dadating na eleksyon para sa pagka-senador. Ayon sa kanilang naging pahayag, ang kanilang desisyon ay bunsod ng naging pormal na pakikipag-alyansa ng Nacionalista Party (NP) ni Senador Manny Villar sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni Congressman Bongbong Marcos at ang pagsama sa huli sa senatorial slate ng nasabing presidentiable.
Dahil sa kanilang naging desisyon, saan ngayon pupulutin ang una na nilang naging usapan na magbibigay ng 2 milyon boto ang kampo nila Satur at Liza sa kandidatura ni Villar kapalit ang pagbibigay ng suportang pinansyal at ang pangakong paglalaan ng limang cabinet posts at committee chairmanship sa senado sakaling manalo ang naturang presidential aspirant sa 2010? Kung babawiin nila ang naging alok kay Villar, kanino na nila ito muling ilalako gayung una na silang tinanggihan ni Senador Mar Roxas na ngayon ay tatakbo na lamang bilang bise presidente ni Senador Noynoy Aquino? Hindi rin maaaring i-alok kay Senador Chiz Escudero dahil ito ay nagpahayag na rin ng pag-atras sa karera sa pagka-pangulo.
Kung susuriin maigi ang naging pahayag ng dalawang progresibong mambabatas ay maaari nating masabi na ang kanilang deklarasyon ay isang palabas lamang upang sila ay hindi masabihan ng pagbabalimbing at pagkampi sa pamilya Marcoses. Hindi nga naman magiging maganda sa kanilang imahe ang pag-alyado sa isang partido na susuporta kay Bongbong. Bukod dito, dahil sa naging anunsyo nila ay nagmistulang maprinsipyo nga naman ang dalawang representante. Pero kung babalikan ang lahat ng naging pahayag, hindi ba’t mismong si Satur ang nagpatunay na bagama’t tatakbo sila bilang independente ay patuloy pa rin silang makikipag-ugnayan kay Villar pati na rin sa ibang presidential aspirants. Sa madaling salita, patuloy nilang iaalok ang 2 milyong boto at ang paghingi ng kapalit para dito. Kung baga, sila ay magiging ghost candidates sa ilalim ng Nacionalista Party ni Senador Villar. Panalo pa rin nga naman sila sa kinalaunan.
Kung tutuusin, walang mawawala sa dalawa dahil sa pagtakbong independente, bagkus ay tila naging kampeon pa si Satur at Liza sa mata ng mga Pilipinong nakaranas ng hagupit ng martial law rule noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung kaya’t madali nila itong mahihimok na ilagay ang kanilang mga pangalan sa balota. Plantsadong-plantsado ang moro-morong palabas ni Satur at Liza.
Dapat nating tandaan na dito sa bansa nating Pilipinas, hindi lahat ng nakikita ay totoo. Hindi lahat ng naririnig ay ang katotohanan kung kaya’t dapat pagnilayan at suriing mabuti. Hindi masama na mapaalalahanan tayo na marami sa ating mga pulitiko at gustong maging pulitiko ang pwedeng mag-mistulang tupa ngunit ang katunayan ay mga lobo pala.

Tuesday, December 1, 2009
COMELEC HINIRANG SA PAGHIHIGPIT
Marami sa ating mga kababayan ang pumupuri sa naging hakbang ng Commission on Elections na higpitan ang proseso sa pagkre-credit sa mga party list groups na nagnanais lumahok sa dadating na eleksyon. Una nang nakatikim ng pinatutupad na paghihigpit ang grupo ng Migrante na diniskwalipika pagkatapos mapatunayan ng ahensya na ito ay hindi nakalikom ng kinakailangang dalawang porsyentong kabuuang boto noong 2004. Kasunod nito, hindi rin tinanggap ng COMELEC ang petisyon ng Alliance of Concerned Teachers o ACT at ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE party list na sila ay mabigyan ng accreditation ng ahensya para sa dadating na eleksyon. Ayon sa magkahiwalay na resolusyon nina First Division presiding Commissioner Rene Sarmiento and Commissioners Armando Velasco and Gregorio Larrazabal ay hindi lubusang napatunayan ng dalawang grupo na sila ay may kanya-kanyang malawak na bilang ng mga miyembro sa buong bansa, isa sa mga pinaka-importanteng kwalipikasyon upang mabigyan ng accreditation at magpatunay na sila ang nagrerepresenta ng isang marginalized sector.
Kaugnay nito, sinang-ayunan ng isang isang teachers’ organization sa Metro Manila ang naging desisyon ng naturang ahensya hinggil sa hindi pagbigay ng accreditation sa ACT. Ayon sa presidente ng grupo na si Mrs Ofel Marasigan, ang ACT ay hindi tunay na nagrerepresenta sa kanilang hanay dahil pawang mga guro lamang sa public schools ang kanilang kinakausap at binibigyan ng panahong dinggin kung kaya’t ayon sa kaniya ay hindi ito tunay na kumakatawan sa mga libo-libong guro sa buong bansa maski sila pa ay nagtratrabaho sa mga public o private schools.
Binatikos din ang pagsisinungaling ng dalawang grupo patungkol sa bilang ng kanilang regional chapters sa bansa. Ayon sa ulat sa Newsbreak noon Nobyembre 20, ang pagdedeklara ng ACT na ito ay may sampung regional chapters ay isang tahasang pagsuway sa isang alituntunin ng RA 7941 o ang pagbibigay ng maling mga pahayag sa kanilang petisyon. Ang nasabing pagsisinungaling ay napatunayan matapos ang mga imbestigasyong ginawa ng mga COMELEC field offices sa mga lugar na dineklara ng ACT na may mga nakatayong chapters.
Dahil dito ay marami ang nangangamba na ang party list system ay nagagamit sa maling paraan at ng mga maling grupo na nag-nanais lamang makapwesto sa ating gobyerno upang magamit ang kaban ng yaman para sa kani-kanilang sariling interes lamang. Dahil na rin sa natuklasan sa ACT at COURAGE ay hinihirang ngayon na isang magandang gawain ang inumpisahan ng COMELEC na paghihigpit upang maprotektahan ang milyon-milyong botante sa bansa.

Subscribe to:
Posts (Atom)