Muli nating napatunayan na sadyang delikado ang pakikilahok sa mga kilos protesta lalo na iyung mga inilulunsad ng mga tinatawag na mga militanteng grupo. Noong nakaraang Disyembre 02 sa mismong loob ng University of the Philippines ay muling nagpakita ng labis na pagka-agresibo ang mga kabataang miyembro ng Anakbayan at ilang union members ng UP habang sila ay nagpupumilit na suwagin ang mga nakabarikadang personnel ng PNP na naimbitahan lamang magbigay seguridad sa nakatakdang pagdalaw ni Pangulong Gloria Arroyo sa naturang lugar.
Makikita sa mga video coverage na pinalabas sa mga iba’t-ibang telebisyon na hindi talaga nirerespeto ng mga kabataang aktibista ang mga unipormadong pulis habang pilit nilang winawasak ang mga barikadang nakatayo sa lugar. Dahil sa kanilang naging aksyon ay nagmistulang walang bisa ang mga isyu na kanilang isinisigaw laban sa kasalukuyang administrasyon dahil mas tinutukan pa ng mga taga-pagmasid ang naging hablutan at habulan na nangyari sa pagitan ng mga militante at ng mga pulis. Dahil sa pangyayari ay napapa-iling tuloy ang ilang sektor sa ating lipunan gayung hindi na lamang simpleng pagsigaw-sigaw ng anti-government slogans ang ginagawa ng mga raliyista kung hindi isang tahasang paglabag sa batas dahil harapan nilang binabastos ang mga police authorities. Sa ibang bansa ay agarang pag-aresto at pagkakulong ang katumbas ng isang ganitong aksyon laban sa kanilang mga kapulisan, ngunit dito sa Pilipinas kahit batuhin o di kaya ay murahin ang mga pulis ay sila pa ang napagbibintangan na nagiging marahas. Kung susuriin ang ganitong mga pangyayari na kadalasan nating nakikita sa kalsada tuwing may mga rally ay maiisip tuloy natin na sinasadya na lamang ng mga militante ang pag-atake sa mga pulis upang sila ay gamitan ng dahas at upang sila ay pwersahang damputin at ikulong dahil sa panggugulo at kawalan ng rally permit.
Sa ating bansa ay binibigyang halaga ang tinatawag na freedom of speech pero ito ay kadalasang inaabuso ng mga militante tulad na lamang ng nangyari sa UP at sa kamakailan lamang sa Mendiola kung saan binato pa ng nakalukot na papel si Press Secretary Cerge Remonde na naglakas loob na harapin ang mga nagpro-protestang grupo bilang kaniyang pakikipag-simpatya sa isyu patungkol sa Maguindanao Massacre na kanilang idinadaing.
Nakakalungkot na ganito ang nakikita ng ating kabataan sa kanilang kapwa kabataang militante. Bagama’t mga edukado ay pinakita nila na sila ay walang galang. Marahil ito lamang ang kanilang natututunan sa patuloy na pakikisalamuha sa mga grupo tulad ng Bayan Muna ni Satur Ocampo at iba pang organisasyon tulad nila. Dahil nagiging katumbas ng nga aktibismo ang maling kaugalian ng pagkawalang galang at respeto, maiisip tuloy ng nagmamasid kung may ipinaglalaban pa nga ba ang mga grupong ito o talagang pangugulo lang ang hangarin nila.
Tuesday, December 29, 2009
MGA MILITANTE ABUSADO TUWING NAG-RARALLY
Labels:
Anakbayan,
Bayan Muna,
Pangulong Gloria Arrooyo,
UP Diliman
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment