Noong nakaraang sabado, sinunog ng may apat-na pung armadong NPA ang ten wheeler trucks ng kompanyang DOLE-Stanfilco sa Alamada. Pangunahing motibo ng insidente ang patuloy na di pagbabayad umano ng kumpanya ng milyong kinikikil ng Partido Komunista. Liban sa naturang banana plantation, matunog din ang Sagittarius Mines sa ComVal na hinuhuthutan ng grupo. At sa oras nga na humindi ang mga ito, matinding takutan ang pinasisimunuan ng NPA na malimit humahantong sa panununog ng milyun-milyong ari-arian ng kompanya. Ang pina-igting na extortion scheme ng NPA sa ngayon ay kalakip daw sa planong palobohin ang pondo ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (MAKABAYAN).
Masasabi ngang may abiso ng MAKABAYAN ang barubal na pangangalap ng pondo ngayon ng Partido Komunista. Kung iisipin kasi parte lang ng adhikain ni Joma Sison na tinaguriang “founder” ng CPP ang pagpasok ng maka-kaliwa sa gobyerno. Pangunahing paraan parin kasi ng pag-sulong ng rebolusyon ay ang walang tigil na pakikibaka sa bundok. Patunay riyan ang mensahe ni Sison sa National Conference of Party List Groups kung saan binigyang diin niya na ang armadong pakikibaka parin ng NPA ang mainam na paraan para masupil ang demokrasya sa bansa. Kasabay dito ang pag-usad ang NPA sa tulong na rin ng mga grupong sumusuporta sa CPP tulad na rin ng MAKABAYAN at mga personahe nito.
Layunin ng CPP na panalunin ang gyera laban sa gobyerno gamit ang kamay na bakal. Kaya naman dagli nitong nababaluktot ang usaping kapayapaan para lalong maging malakas ang armadong sangay nito. Isa na riyan ang paghiling nila na mapalaya sa bisa ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang mga nakakulong ng mga lider nito tulad na nga nila Randall Echaniz at Elizabeth Principe. Kung iisipin malaking kalokohan ang JASIG gayong pinalalaya nito ang mga hinatulang may pananagutan sa batas. Multiple murderes sina Echaniz at Principe ngunit tila limot ito ng gobyerno para lang udyukang dumalo sa negotiating table ang CPP. Malaking kalokohan; at higit sa lahat panunupalpal sa interes ng adminsitrasyong Gloria na pahupain ang gulo ng insureksiyon sa bansa.
Dalawang lehitimong laban ang pilit na pinapanalo ngayon ng CPP. Ito ay sa pamamagitan ng pagsali nila sa darating na eleksiyon gamit ang MKABAYAN upang makapagluklok na din ng mga sisira sa gobyerno at ang usaping pangkapayaan kung saan pinipilit nilang pagbigyan sila ng GRP sa bawat hiling na pagpapalaya dito o kaya’y tigil-putukan doon. Walang katapusan ang maduming larong ito ng CPP hanggat hindi nila nasisikil ang republika.
Monday, September 28, 2009
MAKABAYAN: OPENSIBANG GERILYA PARA SA BALOTA
Labels:
Elizabeth Principe,
JASIG,
Joma Sision,
Randall Echaniz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment