Matunog na ugong-ugong ngayon ang pagtanggi ni Mar Roxas sa alok ni MAKABAYAN senatorial candidate-Satur Ocampo na 2 milyong boto kapalit ng posisyon sa gabinete at Senate Chairmanships. Ang 2 milyon ding ito na naging daan para mailuklok ang Bayan Muna, Anakpawis at GABRIELA sa Kongreso ang siya ngang binebenta ni Ocampo sa napipintong standard-bearer ng Partido Liberal.
Stratehiya ito ng MAKABAYAN alinsunod na din sa mga naibulgar na dokumento ng Komunistang grupong- CPP. Ang ugnayan ng MAKABAYAN na binuo na din ng mga militanteng Partylist Groups ng bansa sa CPP ay tuluyan na ngang nadiskubre mula nang maglaan ng isang bilyong piso ang Partido Komunista para sa pangangampanya ng mga senatoriables na sina Satur Ocampo, Liza Masa, Rafael Mariano at Teddy CasiƱo. Liban sa makinaryang pinansiyal na mahuhuthot ng grupo nina Ocampo sa Genuine Opposition (GO), malaking tulong din ang pagbubukas ng mga bakuran nito para makahagip din ng botante mula sa mga tinaguriang masa ni Erap.
Ngunit may garantiya nga bang tutupad sa usapan ang MAKABAYAN? Kung iisipin, nabuo ang MAKABAYAN batay daw sa isinusulong na “No to TRAPOs in Power”. Dahilan dito, hindi maiaalis na pagdudahan ang animo dagling paglilipat-bakod ng mga tinaguriang militanteng grupo tulad ng Bayan Muna sa pwersang GO. TRAPOs din naman kasing maituturing ang karamihan sa mga ito. Stratehiya dala ng paninigurado ang ginagawang pag-aanib pwersa ng MAKABAYAN sa mga partidong politikal na naitampok sa itaas. Ang mga ito kasi, hirap mang aminin, ay may tiyak nang pinanggagalingan ng suporta sa bansa. Isang bagay na kinukulang ang MAKABAYAN.
Ang masama pa, napag usap-usapan na rin ng mga miyembro ng MAKABAYAN at maging ng Partido Komunista ang tahasang pagtalikod sa kasunduang 2 milyong boto. Bagkus, ang apat na senador lamang ng MAKABAYAN ang ilalagda nito sa balota. Ano nga ba naman ang mahihita nina Erap, Roxas at Villar gayong isa lang naman ang mailalatag na presidente ng bawat isa sa 2 milyong botante ng MAKABAYAN. Sa madaling sabi, pain lang ang malaking bilang na ito at tila kasunduang nilagdaan sa tubig ang mangyayari. Liban pa riyan ang napipintong laglagan sa pagitan ng GO para lang ma-ipwesto sina Ocampo.
Ang pagbebenta ng boto o maging ng botante ay lantad na gawain ng TRAPO. Marahil hindi na nga bago ang maduming larong ito sa mga kandidato ng MAKABAYAN bagkus bagay pa na nais nilang palalain. Ang paghahangad nila ng posisyon sa gabinete kapalit ng pagkatalo sa senado ay tulad na rin ng ipinupukol nilang pagbabalak ni Gloria na maupong Kongresista ng Pampanga matapos ang termino nito sa 2010. Malala nga lang ang MAKABAYAN dahil walang pakundangan ito sa panggugulang at panloloko di lang sa mga taga-Oposisyon kundi na rin sa publiko.
Tuesday, September 15, 2009
ALL-OUT ANG BENTAHAN NG BOTO SA MAKABAYAN
Labels:
ANAKPAWIS,
Bayan Muna,
Gabriela,
Geniune Opposition
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment