Thursday, July 23, 2009

ABDUCTION OF MELISSA ROXAS

Si Roxas ay diumano’y dinukot noon Mayo 19 sa La Paz sa Tarlac kasama sina Juanito Carabeo and John Edward Handoc at mag-isang pinakawalan din sa Tarlac noon Mayo 25.

Ngunit dahil sa sinabing panayam ay umaani ngayon ng matinding batikos si Roxas. Ipinagtataka kasi ng kaniyang mga kababayan kung bakit hindi ito dumiretso sa mga pulis ng araw mismo na siya ay pinakawalan upang agarang makapagsumbong at maghain ng kaso laban sa mga tao na kaniyang pinagsusupetsahan na dumukot sa kaniya.

Dagdag pa rito ay mas ipinagtataka ng mga tao kung bakit kailangan muna niyang umalis sa Pinas at mas gustuhin na sa America gumawa ng ingay hinggil sa insidente gayung may umiiral na proseso dito sa ating bansa.

Mas naging kapani-paniwala sana kung Mayo 26 pa lamang ay nagsalita na siya laban sa mga taong dumukot sa kaniya at hindi na niya ipinagpaliban ang isang buong buwan bago niya isiniwalat ang pangyayari.

Dahil na rin sa kaniyang naging pasya na dalhin sa ibang bansa ang sinasabi niyang pagtotortyur sa kaniya ay mas naging kasuspe-suspetsya ang kaniyang mga alegasyon na tuwiran namang tinitingnan ngayon ng publiko bilang isang malaking palabas.

Bukod dito, masyado yatang “too-good to be true” ang nasabing insidente para sa mga grupong bumabatikos sa militar kaugnay sa extrajudicial killings and enforced disappearance dahil nagmistulang hulog ng langit si Melissa Roxas sa kanilang kampanya laban sa AFP.

Saan pa ba sila makakahanap ng tao na dinukot at pinakawalan at masuwerteng nakarinig ng madaming ebidensya upang diretsang maituro ang AFP? San pa ba sila makakahanap ng tao na may kakayahan na magsalita sa America upang batikusin ang Pinas sa international community?

Nakakapagduda din kung bakit ilang ulit na hindi sinipot ni Melissa ang pagdinig sa korte kaugnay sa hinaing nitong writ of amparo laban sa mga tao na kaniyang inakusahan. Imbes na dumalo sa mga pagdinig ay minabuti ni Roxas na ilabas ang kaniyang mga pahayag sa media. Dahil dito ay kinukwestiyun ngayon ang kaniyang intensyon sa paglabas ng nasabing alegasyon

Malaking tulong nga naman ito sa nalalapit na eleksyon upang mapabango ang kampanya ng mga makakaliwang party list grous kasama na sila Satur Ocampo.

No comments:

Post a Comment