Kulelat ang pwestong nakuha ng mga militanteng representate na sila Satur Ocampo at Teddy Casiño, parehong mula sa Bayan Muna pati ni Liza Masa ng Gabriela Women’s Party sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan lamang. Ayon sa “Ulat ng Bayan” na resulta ng isang survey na ginanap mula July 28 hanggang August 10, 2009 sa buong bansa ay nasa pinakahuling rank ang tatlong militante na pare-parehong nagpahiwatig ng planong pagtakbo bilang mga bagong senatoriables sa dadating na eleksyon sa Mayo 2010.
Bagamat kilalang-kilala na ng publiko bilang mga kontra-Arroyo at nangunguna sa mga kaliwa’t kanang kilos protesta sa kalsada ay nagmistulang nuisance candidates ang nasabing mga mambabatas na ito sa naging resulta ng naturang survey.
Kamakailan lamang ay maingay na lumabas sa mga periodiko at radyo ang balitang paglapit at pakikipagkalakalan nila Satur sa isang Presidentiable. Ito diumano ay ang pagbebenta ni Saturn g 2 milyong command votes ng CPP kapalit ang pwesto sa gabinete.
Naging malinaw ngayun ang intensyon ng pagbenta ng boto nila Satur. Ang pagkandidato ng grupo nila Satur sa pagka senado ay maaaring isang stratehiya upang magkaroon ng alyansa sa mga ibang pulitiko at makalapit sa mga presidentiables. Una, upang makakuha ng tulong pinansyal at lohistikal sa mga kaalyadong pulitiko. Pangalawa at ang totoong dahilan ay ang makakuha ng mga posisyon sa gabinete.
Bilang isang bansa kung saan umiiral at binibigyan importansya ang demokrasya ay maganda nga sana ang pagsabak ng mga tulad nila Satur, Liza at Teddy sa eleksyon at ang kanilang hangarin na mapabilang bilang mambabatas ng bansa upang ang kanilang sinisigaw na mga hinaing laban sa gobyerno ay matulungan nilang masolusyunan. Pero sa tatlong termino nila sa Kongreso ay wala naman pinagbabago at sila pa din ang nangunguna sa kalsada at direktang nag-aaksaya ng pera ng bayan upang magprotesta.
At ang nakalulungkot ay sa loob ng mahigit siyam na taon na pagkakataon nilang makibahagi sa pagbabago ay ni minsan hindi man lang narinig na nagsalita si Satur o ni isa sa mga militanteng representante laban sa mga armadong NPA. Walang namutawi na pagkondena mula sa tatlong mambabatas hingil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga NPA. Tulad na lang nang huling nangyari sa Toboso sa Negros Oriental kung saan tatlong sibilyan ang kanilang napatay. Ni minsan ay hindi rin natin sila naringgan ng pagkondena laban sa MILF at ASG na patuloy pa din naghahasik ng lagim sa Mindanao at bumibiktima ng ilang daan nating mga kababayan. Bakit sa ganitong usapin ay tila nagiging bulag, pipi at bingi ang tatlong senatoriables?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment